“WAFU pasensya sinaktan mo anak ko.” Ito ang sinabi ng hindi pa nakikilalang suspek bago binaril nang malapitan ang isang preso na kalalaya lamang sa Barangay Longos, Malabon City, Linggo ng gabi (Pebrero 10).
Dead on arrival sa Tondo Medelcal Center si Angelo Figeroa y Gale, alyas Wafu, 34-anyos at residente ng Blk 17, Phase 2 Area 2 Dagat-Dagatan Longos ng lungsod, sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre .45 sa batok.
Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek sakay ng motorsiklo na hindi naplakahan.
Ayon sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi nang malapitang barilin ang biktima sa loob ng computer shop sa nasabing lugar.
Nabatid na abala sa paglalaro ang biktima nang biglang lapitan ng suspek na nakahelmet at walang sabi-sabing nagbunot ng baril at binaril ang biktima.
Ayon sa kapatid na babae ng biktima na si Mary Figueroa, sangkot sa mga nakawan at iligal na droga at kasong fraustrated murder ang kanyang kapatid at kalalaya lamang nito mula sa Munti Bureau of Correction.
Patuloy ang mbestigasyon ang mga awtoridad at inalaam ang tunay na motibo sa krimen.