MANGALDAN, PANGASINAN – Dahil lamang sa P5, kalaboso ngayon ang isang lalaki matapos gahasain ang 7-anyos na inaanak sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.
Nakilala ang suspek sa pangalan “Ramil”, ng nasabing bayan.
Ayon imbestigasyon ng lokal na polisya, naglalaro ang biktimang si April (hindi tunay na pangalan), sa labas ng kanilang bakuran ng tawagin siya ng suspek.
Sa report, binigyan umano ng suspek ang biktima ng P5 at sinamahan ‘di umano ito sa tindahan.
Sa damuhan, malapit sa bahay ng biktima idinaos ang kahalayan ng suspek sa paslit.
Napansin ng ina ng biktima na duguan ang ari ng bata at itinuro nito ang kanyang ninong na siyang gumahasa sa kanya.
Sa ngayon, nasa lokal na pulisya ang suspek at kasong rape ang ipinataw laban dito.
The post Ninong, pinagparausan ang 7-anyos na inaanak appeared first on Remate.