DINAKMA ng awtoridad ang isang Italian diplomat matapos ireklamo ng non-government organization (NGO) habang kasama ang tatlong menor de edad na lalaki sa Splash Island Resort sa Laguna.
Sinabi ni Col. Romulo Sapitula, Philippine National Police (PNP) Director ng Laguna, nasa kustodiya na ng Biñan Municipal Police Station ang suspek na si Daniel Boscio, 46, inireklamo ng Bantay Tuluyan Foundation.
Napag-alamang First Counselor sa Turkmenistan ang Italian na nagtatrabaho sa Ministry of Foreign Affairs.
Pansamantalang naninirahan naman ito sa isang condominium unit sa Eastwood City.
Nasagip dito ang tatlong batang lalaki na hindi pinangalanan na may edad 9, 10 at 12 na pawang mga taga-Maynila.
Kinasuhan naman ito sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) No. 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.
The post Italian diplomat, tiklo sa child trafficking appeared first on Remate.