MULING nag-iipon ng lakas ang sama ng panahon bago pa tumama sa kalupaan ng Eastern Visayas.
Ayon kay PAGASA forecaster Rene Paciente, asahang muling lalakas ang bagyong Domeng matapos itong humina.
Nabatid na kasabay ng paghina nito ay bumagal din ang bagyo na tila bumubwelo.
Sinabi ni Paciente na huling namataan ang sentro ng tropical depression sa layong 620 kilometro sa silangan ng Davao City.
Taglay nito ang hangin na 55 kph, habang kumikilos nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 5 kph.
Sa kabila ng paghina at pagbagal, nananatili ang abiso ng PAGASA sa posibilidad ng hanggang dalawang metrong storm surge kung sasabay ang pagtama nito sa high tide.
Payo ng weather bureau, manatiling alerto sa maaaring mangyari sa sama ng panahon.
The post ‘Domeng’ muling lalakas bago tatama sa lupa appeared first on Remate.