MULING niyanig ng malakas na aftershock ang hilagang bahagi ng Chile, ang lugar kung saan tumama ang 8.2 magnitude na lindol noong nakaraang linggo.
Ayon sa National Seismological Center ng University of Chile, magnitude 6.1 ang naitalang lakas ng lindol.
Sa pagtaya naman ng US Geological Survey (USGS), may lakas na magnitude 5.8 ang aftershock na naramdaman sa rehiyon ng Iquique.
Wala namang nasirang ari-arian o nasaktan sa nasabing lindol.
Sa nangyaring lindol noong Martes, anim na katao ang namatay at milyon-milyon ang nawalan ng tirahan.
The post Chile muling niyanig ng magnitude 6.1 na lindol appeared first on Remate.