DALAWANG 20 footer container ang nahulog mula sa isang trak kaninang umaga sa kahabaaan ng Roxas Boulevard sa Maynila.
Masuwerte namang walang kasunod na motorista nang maganap ang insidente dahil holiday ngayong araw at bihira lang ang mga sasakyan na dumaraan sa lugar.
Ayon sa ilang nakakita, kumalas ang lock ng mga container sa nasabing truck kaya nahulog ito.
Iniimbestigahan naman ngayon ng Manila Traffic Bureau ang driver ng truck at inaalam na rin ang posibleng isampang kaso sa kanya.
Nauna rito, binabaybay ng trak ang Padre Burgos galing sa Muntinlupa at habang papakanan patungong Pier 2 ay tinangka ng driver na hindi maabutan ng stop light (red light) nang aksidente namang mahulog ang container van.
The post 2 container nahulog sa trak sa Maynila appeared first on Remate.