PITONG katao kabilang ang tatlong kababaihan ang nadakip matapos maaktuhan ang mga ito na nagsasagawa ng pot session bago magkaroon ng group sex sa isang bahay sa Valenzuela City kagabi.
Ang mga suspek na kasalukuyang nahaharap sa patong-patong na kaso ay sina Jeffrey Sarmiento, Michael Dizon, Alvin Gonzales, Johnny Young, Fernena Hembra, Roxanne Zuñiga at Jullie Ann Rubis, pawang naninirahan sa nasabing lungsod.
Sa nakalap na impormasyon, alas-7:00 kagabi nang maaresto ang mga suspek sa isang bahay sa A. Pablo St., Karuhatan ng lungsod.
Unang nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG) ng Valenzuela City Police hinggil sa iligal na aktibidades ng grupo ng mga suspek.
Agad namang nagsagawa ng surveillance operation ang mga awtoridad at nang mapatunayang positibo ang impormasyon ay mabilis na bumuo ng isang team ang pulisya na siyang nagsagawa ng operasyon.
Naabutan pa ng raiding team ang mga suspek na nagsasagawa ng pot session at nakuha sa pag-iingat ng mga ito ang apat na sachet ng shabu na aabot sa halagang P20,000 at mga drug paraphernalia.
Bukod sa paggamit ng shabu ay nagbebenta rin ng droga ang mga naarestong suspek at kapag lango na ang mga ito ito ay nagkakanya-kanyang pareha na para mag-group sex.
The post 7 katao huli sa pot session, group sex appeared first on Remate.