NABUKO ng pulisya ang bagong pamamaraan sa pagtutulak ng droga nang maaresto ang isang mag-asawa na ang epektos ay itinatago sa mismong damit ng kanilang 3-buwan na anak sa Quezon City nitong Martes ng gabi, Abril 8.
Bagama’t inamin na kapwa gumagamit ng shabu, itinanggi naman ng hindi pinangalanang mag-asawa na ginagamit ang kanilang 3 buwang sanggol sa pagbebenta ng shabu.
Narekober ng pulisya sa mag-asawa ang 2 sachet ng shabu sa inilatag na buy-bust operation ng pulisya sa Barangay West Crame, Quezon City nitong Martes ng gabi.
Nagmula sa mismong damit ng sanggol ng mag-asawa ang nakaipit na 2 sachet ng shabu na iniabot sa isang poseur-buyer.
Bukod sa droga, nakumpiska rin sa mag-asawa ang ilang piraso ng bank deposits slips na pinaniniwalaang ginagamit sa kanilang operasyon.
Nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasabing sanggol.
The post Sanggol dakip sa drug trade appeared first on Remate.