KRITIKAL ang isang lalaki nang tagain ng samurai ng alyas ‘tiyanak’ sa Caloocan City Lunes ng madaling araw, Pebrero 11.
Inobserbahan sa Manila Central University sanhi ng mga taga at saksak sa katawan si Morja Marin, nasa hustong gulang ng Everlasting st., Bagong Barrio ng lungsod.
Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas tiyanak at kalugar ng biktima.
Sa ulat, dakong alas-3 ng madaling araw, nasa loob ng kanilang bahay ang biktima nang pasukin at pagtatagain bago pagsasaksakin ng samurai ng suspek.
Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa MCU.
Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa nasabing insidente.