ISANG lalaki ang pinaslang ng pinaghihinalaang mga miyembro ng death squad ng 2nd Infantry Battalion ng Philippine Army kaninang ala-una ng madaling araw sa Barangay Sukip, Pio Duran sa Albay.
Patay na si Romero Octavo, 37 anyos, matapos pagbabarilin sa loob ng isang sayawan.
Ayon sa National Democratic Front of the Philippines-Bikol, bago naganap ang insidente, binugbog muna ng 10 armadong kalalakihan na pawang nakatapik ang mukha. Hinala ng grupo na miyembro ng death squad ng 2nd Infantry Battalion ng PA ang mga salarin.
Matapos ang pamamaril tumakas ang mga salarin sakay g mga motroiklo papunta sa direksyon ng dettsment ng 2nd IBPA sa Brgy. Halanang puro, Pio Duran, Albay.
Mariing kinondena ng NDFP-Bikol ang pamamaslang kay Octavo.
Ayon kay Greg Bañares, tagapagsalita ng NDFP-Bikol, ang pagpaslang kay Octavo y bahagi ng kampanyang Oplan Bayanihan na isinasagawa nang nagpapangap na ‘peace and development’ teams.