PATAY ang isang overseas Filipino worker (OFW) matapos aksidenteng mabaril ang ulo nito sa loob mismo ng kanyang kuwarto sa Narvacan, Ilocos Sur.
Kinilala ang biktima na si Costudio Cordero, ng Brgy. Nanguneg, nasabing bayan.
Ayon sa impormasyon, nililinis ng biktima ang kanyang .45 kalibre baril nang aksidenteng pumutok at tumama ang bala sa kanyang ulo.
Sa inisyal ng imbestigasyon, posibleng hindi alam ng biktima na may bala ang baril habang nililinisan niya ito.
Kasama pa ng biktima ang pamangkin nitong si P03 Joel Cordero nang mangyari ang insidente.
The post OFW nabaril ang sariling ulo, tepok appeared first on Remate.