Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Kelot nagbigti matapos pagtatagain ang hipag

$
0
0

NAGBIGTI ang isang 49-anyos na lalaki matapos nitong pagsasaksakin ang kanyang hipag sa isang subdivision sa Tandang Sora, Quezon City kaninang umaga, Abril 10, Huwebes.

Kinilala ang suspek na si Ralph Alejandro, may-asawa, ng 24 Vices St., Carmel 5 Subd., Tandang Sora, QC na nagbigti gamit ang isang cable wire.

Sugatan naman ang hipag nito na si Zorayda Tantua, 50, may-asawa, housewife ng naturang ding address na nagtamo ng mga saksak sa balikat, dibdib at tiyan at kasalukuyan ngayon inoobserbahan sa Pacific Global Medical Center.

Ayon kay SPO2 Edwin dela Cruz ng Quezon City Police District station 3 Talipapa, naganap ang insidente sa bahay ng biktimang si Tantua, alas-7:00 ng umaga.

Sa ulat, habang nasa loob ng kanyang bahay ang biktimang si Tantua, pinasok umano ito sa kanyang bahay ng suspek na si Alejandro na kanyang bayaw saka pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Tinangka naman awatin ng kasambahay ng biktima na si Ronnel dela Cruz ang suspek subalit nagtatakbo ito papasok sa kanyang bahay.

Agad isinugod ang sugatang si Tantua sa pagamutan habang rumesponde naman ang mga tauhan ng QCPD station 3 Talipapa sa pangunguna nina PO3 Ferrer at Burias at pinakiusapang sumuko ang suspek na nasa loob ng kanyang kuwarto.

Nang hindi pa rin lumabas ang suspek, pinuwersa na ng mga pulis ang pintuan ng kuwarto ng suspek at dito na tumambad ang wala ng buhay na katawan ni Alejandro.

Ayon sa ulat, nag-away umano si Alejandro at asawa nito na kapatid ng biktimang si Tantua na siyang hinihinalang dahilan ng pagwawala umano ng suspek.

The post Kelot nagbigti matapos pagtatagain ang hipag appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>