PATAY ang isang baby matapos masunog ang isang residential area sa Bgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City, ngayong hapon.
Sa imbestigasyon, naiwan ang 1-anyos na baby sa kanyang mga kapatid na edad 10, 5 at 4 dahil namalengke ang kanilang nanay habang nasa trabaho naman ang kanilang tatay.
Lumalabas naman sa imbestigasyon na nagsimula ang sunog sa sumiklab na kusot matapos matapunan ng upos ng sigarilyo.
Dinala naman sa pagamutan ang 4-anyos na kapatid ng namatay matapos mapaso sa paa at balikat.
Umaabot naman sa 30 bahay ang natupok sa sunog.
The post Baby patay sa sunog sa Quezon City appeared first on Remate.