AABOT sa P.5 milyon halaga ng ari-arian ang naabo makaraang lamunin ng apoy ang may 50 bahay sa sunog na naganap sa Tandang Sora, Quezon City kaninang madaling-araw, Abril 11.
Ayon kay F/Supt. Jesus Fernandez District Fire Marshall ng Quezon City- Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa Banlat Road, Bgy. Tandang Sora, QC alas-12:58 ng madaling-araw.
Sinabi ni Fernandez na nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Marita Belarmino sa no. 228 Banlat Road, Bgy. Tandang Sora, QC.
Tinatayang aabot sa 150 pamilya ang nawalan ng bahay sa may 50 minutong sunog.
Umabot ang sunog sa 4th alarm at ganap na na-fire out ala-1:48 ng madaling-araw.
Wala naman iniulat na nasaktan sa sunog.
The post P.5 milyon naabo sa sunog sa QC appeared first on Remate.