PATAY na nang nakita ang isang lola sa masukal na bahagi ng Bgy. Dibua sa Laoag.
Kinilala ang biktima na si Nemesia Marcos, residente sa naturang barangay.
Nabatid na ang matanda ay naunang ini-report kahapon ng kanyang pamilya na nawawala.
Ang biktima ay may sakit na epilepsy ngunit nagpupumilit pa ring magtungo sa kakahuyang bahagi ng kanilang barangay upang manguha ng paggatong.
Wala namang nakikitang foul play sa pagkamatay ng matanda.
The post 82-anyos na lola patay sa kakahuyan appeared first on Remate.