Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

OFW sa UAE patay sa MERS virus

$
0
0

ISANG Filipino health worker ang sinasabing namatay sa United Arab Emirates (UAE) dahil sa Middle East Respiratory Syndrome (MERS) virus.

Ayon sa report ng Khaleej Times, kinumpirma ng UAE ministry of interior ang pagkamatay ng nasabing Pinoy.

Sinasabing lima pang overseas Filipino workers (OFWs) ang nahawaan ng MERS na ngayon ay minomonitor sa isang ospital.

Ang anim na Pinoy na biktima ng MERS ay pawang first aid service personnel na nagtatrabaho sa UAE ministry of interior.

Patuloy namang kinukumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasabing ulat.

Ang MERS virus ay sakit na hinihinalang nagsimula sa Middle East noong 2012.

Kabilang sa mga sintomas nito ay lagnat, pag-ubo, pulmonya at hirap sa paghinga.

Sa pahayag ng World Health Organization (WHO), kabilang sa mga bansang nakapagtala ng kaso ng MERS ay Saudi Arabia, Jordan, Qatar, UAE, France, Germany, Italy, Tunisia at United Kingdom (UK).

The post OFW sa UAE patay sa MERS virus appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>