Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bus tumagilid, 1 patay, 17 sugatan

$
0
0

DAHIL sa pag-iwas na malubak, nalagas ang isang pasahero habang 17 naman ang sugatan nang tumagilid ang kanilang sinasakyang bus sa South Cotabato kagabi, Abril 11.

Nagtamo ng kapansanan sa ulo at katawan at namatay noon din ang biktimang si Nestle Joy Carumba.

Isinugod naman sa pagamutan sanhi ng mga sugat ang mga biktima na pawang mga pasahero ng YBL bus lines na may body number na 118.

Tumakas naman at ngayon ay tinutugis na para panagutin sa krimen ang hindi nakikilalang tsuper at maging ang konduktor nito.

Sa ulat, naganap ang insidente alas-7:30 nitong Biyernes ng gabi sa national highway ng Glamang Polomolok, South Cotabato.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang insidente ay nagmula sa Marbel ang naturang bus at patungo sa General Santos City.

Pagsapit sa lugar, sinabi ng isa sa mga pasahero na may iniwasang lubak ang driver sa kalsada kaya biglang nagpreno.

Pero dahil umaambon at basa ang kalsada, nadulas ang mga gulong ng naturang bus kaya sumemplang at tumagilid.

Tiyempo namang tulog ang biktima kaya humampas ang ulo nito nang tumagilid ang bus.

Nangako naman ang YBL Bus na sasagutin ang lahat ng gastusin  sa ospital ng mga biktima.

The post Bus tumagilid, 1 patay, 17 sugatan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129