DAHIL sa Low Pressure Area (LPA) na dating bagyong Domeng, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Silangang Kabisayaan at Caraga.
Ayon kay Jun Galang, weather forecaster ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang LPA sa layong 440 kilometro silangan hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Mabagal pa rin ang paggalaw ng LPA at hindi pa tumatama sa kalupaan.
Samantala, patuloy na makararanas ng maaliwalas ngunit maalinsangang panahon ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa maliban sa pulo-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog lalo na sa dakong hapon o gabi.
The post LPA magpapaulan sa Eastern Visayas at Caraga appeared first on Remate.