ISANG bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na biktima ng summary execution ang ikinalat sa Payatas, Quezon City kagabi.
Inilarawan ang biktima na nasa 45 hanggang 50-anyos, may taas na 5’7” at nakasuot ng puting t-shirt at maong pants na may tatak na RRJ.
Sa ulat, natagpuan ang biktima ng mga barangay traffic aide sa kahabaan ng Payatas Road malapit sa AMLAC Subdivision, Barangay Payatas, alas-8:30 kagabi.
Pinuluputan ng packaging tape ang mukha ng nito na nakabalot ng pulang plastic bag habang ang kanyang mga kamay ay nakatali ng plastic cable strap at ang mga paa ay nakatali ng packaging tape.
Walang tama sa katawan ang biktima subalit may marka ng hiwa sa leeg na palatandaan na binigti ito.
Inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima.
The post Bangkay ikinalat sa Quezon City appeared first on Remate.