Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

7 patay sa karambola ng 5 sasakyan sa Davao

$
0
0

PITO ang patay habang 16 ang sugatan sa karambola ng limang sasakyan sa Diversion Road ng Barangay Maa, Davao City, kagabi.

Nagkarambola sa lugar ang isang forward truck, Toyota pick-up, trailer truck, Honda XRM at Ford Escape.

Lumalabas na unang bumangga ang forward truck na may kargang bigas sa Tamaraw pick-up na may higit 20 pasahero sa northbound lane ng naturang kalsada.

Sunod namang tumama ang Tamaraw sa trailer truck sa kabilang lane, saka tumama sa nakasunod na isang Honda XRM.

Ayon sa driver ng forward truck na si Kim Canque, dumiretso siya kaya nabundol ang isang Ford Escape at tumama sa traffic light.

Dead on the spot sina Teresa Baogbog, Liza Baogbog, Juanita Baogbog at Jojo Sarentas, habang nalagutan naman ng hininga sa pagamutan ang tatlong bata na sina Rexi Ali, 7-taong gulang; Zian Roncal, 6; at Lester Baogbog, 2.

Ang mga biktima ay pawang sakay ng pick-up na galing sa birthday party sa Decca Homes sa Mintal District.

The post 7 patay sa karambola ng 5 sasakyan sa Davao appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>