SUMUKO ang isang ama na nang-hostage ng sariling anak, matapos ang walong oras na pagtutok ng kutsilyo sa isang-taong-gulang na sanggol sa Barangay Dansuli, Isulan, Sultan Kudarat.
Sa mga oras na ito, nasa kustodiya na ng Isulan PNP si Kadape Mupac at kasalukuyan nang iniimbestigahan kung bakit nagawa niyang i-hostage ang sariling anak.
Isa sa nakikitang anggulo ay ang dahilan na hindi nito matanggap ang pakikipaghiwalay ng misis na si Sagera Kumboto.
Sa huli, nakumbinsi rin si Mupac na lumabas at sumuko nang dumating ang asawa nito, subalit desidido si Sagera na magsampa ng kaso laban sa asawa.
The post Mister na hiniwalayan ng misis nang-hostage ng anak appeared first on Remate.