NARAMDAMAN ang 4.1 magnitude na lindol sa bahagi ng Central Luzon, pati na ang ilang bahagi ng Metro Manila kagabi.
Ayon sa ulat ng PHIVOLCS, naitala ang 4.1 magnitude na lindol bandang alas-6:03 ng gabi.
Natukoy ang epicenter sa layong 19 kilometro sa Timog Kanluran ng San Antonio, Zambales.
May lalim itong 44 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Pero sa kabila ng layo nito sa Metro Manila, umabot pa rin hanggang sa Quezon City ang bahagyang pagyanig ng lupa.
Wala namang naitalang pinsala ang mga awtoridad kaugnay ng lindol.
The post Zambales niyanig ng 4.1 magnitude quake appeared first on Remate.