Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

9-anyos nangisay sa posteng bakal

$
0
0

PATAY ang 9-anyos na paslit na lalaki nang masunog ang katawan matapos makuryente sa Barangay Central East, Bauang, La Union.

Kinilala ang biktima na si Julius Huliganga, ng naturang lugar.

Sa impormasyong nakalap mula sa Bauang Municipal Police Station, nakita na lamang ng kanyang lola na nakahandusay na ang nangingitim na biktima at hindi na gumagalaw.

Dahil dito, agad nagpasaklolo ang lola at dinala sa Ilocos Training and Regional Medical Center sa lungsod ng San Fernando ngunit idineklarang dead-on-arrival ang bata.

Samantala, agad namang nagtungo sa lugar ang ilang tauhan ng LUECO upang imbestigahan ang pangyayari.

Napag-alaman na grounded ang electrical meter na nakakabit sa bakal na poste at maaaring nahawakan ito ng biktima kaya ito nakuryente.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ng nasabing insidente.

The post 9-anyos nangisay sa posteng bakal appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>