WINAKASAN ng dalagita ang kanyang buhay matapos mabuntis at abandonahin ng kanyang boyfriend sa Tiaong, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Monica Aclan Arevalo, ng Sitio Silangan, Bgy. Bukal, nabanggit na lugar.
Nadiskubre ng lalaking kapatid nito ang bangkay ng biktima na nakasabit gamit ang kumot sa ceiling brace.
Sa inisyal na imbestigasyon, nakuha ng mga awtoridad ang suicide note sa personal na kagamitan nito na laman ang kanyang mga mensahe sa cellphone tungkol sa kanyang pagbubuntis.
Maliban dito, napag-alamang inabandona ito ng kanyang kasintahan sa kabila ng pauli-ulit nitong pagmamakaawa.
Una rito, nadiskubre ng biktima na ang kasintahan nito ay may-asawa at pananagutan sa buhay.
Wala namang naitalang foul play sa nasabing ulat.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon tungkol sa nangyari.
The post 17-anyos na binuntis ng BF nagpakamatay appeared first on Remate.