INARESTO ng National Bureau of Investigation ang isang Chinese national sa isinagawang pagsalakay sa isang shabu laboratory sa Marikina City kagabi.
Kinilala ang dayuhan na si Chao Min Lin.
Ayon sa NBI-Counter Intelligence Division, naaresto si Lin sa isang bahay na nagsisilbi umanong shabu laboratory sa Long Horn Street, Barangay Concepcion Dos, Marikina City .
Hindi naman inabutan ng mga tauhan ng NBI ang pakay na si David Chua.
Nabatid na isang buwan na isinailalim sa survellaince ang naturang bahay dahil ginagamit umano itong shabu laboratory.
Nakuha naman ng NBI sa lugar ang dalawang plastic bag na hinihinalang naglalaman ng illegal na droga .
Nakumpiska din ang ilang kagamitan sa paggamit ng shabu tulad ng vacuum packing machine, timbangan, mga plastic bag at stirring tube.