Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Jeep at 6-wheeler truck nagsuwagan, 3 sugatan

$
0
0

SUGATAN ang tatlong katao nang magsalpukan ang pampasaherong jeep at 6-wheeler truck sa North Luzon Expressway (NLEx) Northbound sa Marilao, Bulacan.

Sa imbestigasyon, sumabog ang unahang kaliwang gulong ng trak at nawalan ng kontrol sa manibela ang driver kaya sumalpok sa jeep bandang alas-5:00 ng umaga kanina.

Hindi pa tukoy kung saan nakasakay ang tatlong biktima, na isinugod na sa Montefalco Hospital.

Bahagyang nagsisikip ang trapiko sa lugar sa naghambalang na naaksidenteng sasakyan.

Ayon sa pamunuan ng NLEx, patuloy ang paghila nila sa nakatagilid na trak sa lugar.

The post Jeep at 6-wheeler truck nagsuwagan, 3 sugatan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>