NAGKABUKOL-BUKOL at nagkapasa-pasa ang katawan ng mag-anak matapos mahulog ang sinasakyang kotse sa bangin sa Barangay Colacling, Lupi, Camarines Sur.
Kinilala ang mga biktima na sina Edilberto Barac, misis na si Ana, kambal na anak na sina Edillana at Arthur at ang tatlong-taong-gulang na si Adrian.
Nabatid na magdadala sana ng pagkain ang mag-anak sa kanilang lola sa katabing barangay nang maaksidente.
Umiwas ang kotseng kinalululanan ng mga biktima na minamaneho ni Edilberto sa kasalubong na sasakyan ngunit nawala ito sa direksyon at nahulog sa bangin na may lalim na 50 talampakan.
Agad na naisugod sa ospital ang mga biktima na nagkasugat sa kanilang mga katawan.
The post Kotse sumisid sa bangin, magkakamag-anak sugatan appeared first on Remate.