NAKABIGTI na ng kumot nang abutan ng anak ang kanyang ama sa loob ng kanilang bahay matapos magbigti kaninang madaling-araw sa Sta. Cruz, Maynila.
Kinilala ang biktima na si Jose Calim, 45, tricycle driver, ng 932 M. Natividad Extn., Sta. Cruz, Maynila.
Nabatid na alas-2:30 ng madaling-araw nang matagpuang nakalambitin ang biktima ng kanyang anak na si Vincent Bryant sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.
Ayon kay Vincent, bago ang insidente ay nakainuman pa ng kanyang tatay ang isang kaibigan bago umuwi ng bahay alas-2:30ng madaling-araw.
Nabatid na dati na ring nagtangkang magpakamatay ang biktima ngunit nakaligtas.
The post Tatay naglasing muna bago nagpakamatay appeared first on Remate.