PINAYAGAN na makabiyahe ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ibang ruta ang 594 pampasaherong bus para matugunan ang pagdagsa ng mga biyahero sa paggunita ng Semana Santa.
Sinabi ni LTFRB Chair Winston Ginez na ito ang nakita nilang kasagutan para maisakay ang lahat ng biyahero na patungo sa kani-kanilang probinsya.
Idinetalye ni Ginez na mahigit 900 bus ang humirit na mabigyan ng special permit subalit marami ang hindi napagbigyan matapos mabigong makasunod sa itinakdang requirements.
Sinabi naman ni LTFRB Spokesperson Mary Ann Salada na hindi napagbigyan ang hirit ng ilang bus operator ng humingi ng special permit para sa mahigit 25-porsyento ng kanilang authorized vehicles.
Paglilinaw naman ni Ginez, sa mga pampublikong sasakyan na tanging mga bus lamang ang binigyan ng special permits.
Naka-print ito sa isang papel na pirmado ng tatlong miyembro ng LTFRB at kailangang ilagay ng mga bus sa kanilang windshield sa oras na sila’y bumiyahe na sa ibang ruta.
The post 594 bus binigyan ng special permit ng LTFRB appeared first on Remate.