TINIYAK ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipino na nasaktan o namatay sa serye ng lindol sa Solomon Islands.
Ang katiyakan ay ipinahayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Charles Jose, pero patuloy pa rin nilang mino-monitor ang sitwasyon sa Isla.
Una rito, tumama ang magnitude 7.6 na lindol sa Solomon Islands nitong Linggo ng madaling-araw na sinundan ng malalakas na aftershocks. Nagtaas din ng tsunami alert na kinalauna’y inalis din.
Napag-alaman na binalaan ang mga residente na naninirahan malapit sa isla na umiwas muna sa mga mabababang lugar.
Noong nakaraang linggo lang nang dumanas ng matinding pagbaha ang Solomon islands na nag-iwan ng halos 20 patay na katao.
The post Mga Pinoy ligtas sa Solomon Islands quake – DFA appeared first on Remate.