PATAY ang isang 26-anyos na mekaniko nang pagbabarilin ng kainuman kagabi sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang biktima na si Patrick Baldomar ng 0564 Area-H, Parola, Binondo, Maynila.
Ininguso naman na suspek ay sina alyas Lucky at alyas Oliver na kapwa pinaghahanap ng mga awtoridad matapos tumakas.
Sa report ng pulisya, alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente habang nag-iinuman ang biktima kasama si Lorjil Donesa at dalawang suspek.
Nang malasing si Donesa ay nauna na itong nagpaalam para umuwi at iniwan ang tatlo.
Nagulantang na lamang siya nang makarinig ng mga putok ng baril at nang kanyang usisain ay nakita ang dalawang suspek na binabaril ang biktima.
Matapos ang insidente ay agad tumakas ang dalawa habang isinugod naman sa Gat Andres Hospital ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival.
The post Kelot pinagbabaril ng mga kainuman sa Tondo, patay appeared first on Remate.