Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Miyembro ng Akyat-Bahay tigbak sa pamamaril sa Pangasinan

$
0
0

HINDI na nagising pa ang isang notoryus na miyembro ng Akyat-Bahay gang nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Pangasinan kaninang madaling-araw, Abril 15.

Nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo ang biktimang si Manolo Garcia, 33, ng Barangay Magallanes sa Tagug, Pangasinan.

Nadamay namang nasugatan ang dalawang taong gulang na anak ni Garcia nang tamaan ng ligaw na bala sa katawan.

Blangko naman ang pulisya sa kung sino ang bumaril sa biktima pero hinihinalang motibo ay pagganti sa mga pagnanakaw nito sa kanyang mga kapitbahay.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 12:45 nitong Martes ng madaling-araw sa bahay ng biktima.

Bago ito, natulog sa may sahig ng kanilang sala ang biktima katabi ang kanyang anak nang biglang dumating ang suspek at agad pinagbabaril ang mag-ama.

Napag-alamang isa si Garcia sa notoryus na magnanakaw o akyat-bahay sa kanilang lugar.

The post Miyembro ng Akyat-Bahay tigbak sa pamamaril sa Pangasinan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129