Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

PNP off’l todas, misis sugatan sa ambus

$
0
0

BUMULAGTA sa loob ng kotseng minamaneho ang isang opisyal ng pulisya habang sugatan naman ang misis nito nang ratratin ng riding-in-tandem sa Mandaluyong City kaninang umaga, Abril 16.

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng kalibre .45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Chief Inspector Elmer Santiago, dating intelligence officer ng Bataan PNP pero kasakuluyang nasa floating status sa Central Luzon Police Regional Personnel Holding and Administrative Unit.

Sugatan na isinugod sa Victor R. Potenciano Hospital sa Efipanio delos Santos Avenue (EDSA) sa Mandaluyong City ang misis nitong si Agnes.

Blangko naman ang Mandaluyong City Police sa kung sino ang rumatrat sa mag-asawa pero isa sa sinisilip na motibo ay ang trabaho ni Santiago bilang pulis.

Naganap ang insidente dakong 10:15 ng umaga sa kanto ng Barangka Drive at Talumpong St., sa Barangay Malamig, Mandaluyong City.

Bago ito, nakasakay ang mag-asawa sa kanilang itim na kotseng Toyota Altis na may commemorative plate ng Philippine National Police Academy (PNPA).

Pagsapit sa lugar, sumulpot ang mga suspek na kapwa naka-bonnet at pinagbabaril ang bahagi ng driver’s seat ng kotse na kinauupuan ni Santiago.

Sa kuwento ng isang traffic enforcer na nasa lugar, nakarinig na lamang sila ng sunod-sunod na putok ng baril at nakita niyang may isang motorsiklong lulan ang dalawang lalaki na mabilis na tumakas.

Teorya ng pulisya, si Santiago lang ang target ng mga salarin pero katabi nito ang kanyang misis kaya nadamay.

The post PNP off’l todas, misis sugatan sa ambus appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>