Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Para ikanta ang mastermind, pumatay kay Rubie Garcia bubuhayin

$
0
0

PIPILITIN na mahuli ng buhay ng pulisya ang isa sa tatlong kalalakihan na pumaslang kay Remate reporter Rubielyn Garcia para mahubaran ang mastermind sa pagpatay dito .

Sinabi ni Cavite provincial police director Senior Inspector Joselito Esquivel, Jr. , mayroon na silang lead sa kung sino ang isa sa mga salarin at sa dami ng police trackers na kanilang binuo para tugusin ito ay malaki ang tiyansang mahuli na ito.

“We are hopeful na hindi aabutin ng 40 days. Kung patuloy ang pagganda ng imbestigasyon, we will be able solve the killing. We have several tracker teams na humahabol sa suspek,” pahayag ni Esquivel, na siyang namumuno rin sa special task force na tututok sa pagpatay kay Garcia.

“Pero kahit maaresto ang gunman, hindi kami titigil kasi we are after the mastermind. ‘Yung gunman was just a means sa pagpatay,” dagdag pa nito.

“Pag namatay ‘yun, e, ‘di parang balewala na rin yung imbestigasyon namin. Baka sabihin pa na rub-out ang nangyari. Kaya ang sinabi ko sa mga tao ko na ‘wag nila barilin pero kung kailangan, sa binti lang,” pahayag ni Esquivel.

Aminado naman si Esquivel na ang pagpatay kay Garcia ay hindi madaling kaso at idinagdag na 200 sa kanyang tauhan o 10-porsyento ng provincial police force ay nagtutulong-tulong para magkaroon ng kabuluhan ang imbestigasyon.

“Sa neighborhood nila tinitingnan namin, sa personal niya, sa business, marami rin s’yang puwedeng enemy at meron ding related sa trabaho. Maraming maaaring suspek na kailangang i-rule out,” saad pa nito.

Hindi naman aniya na ang ibig sabihin nito ay may deadline ang paglutas ng kasong pagpatay.

“Mali na bigyan ng timeline o deadline kasi ebidensya ang kinukuha namin, ‘pag minadali mo ‘yang mga ‘yan baka naman mag-imbento lang para umabot sa deadline. I assure you na we will never rest until the case is solved,” dagdag pa nito.

Nauna nang sinabi ni National Press Club president at Remate publisher Benny Antiporda na lutasin ng PNP ang pagpatay sa susunod na buwan o bago ang 40th day ng pagkamatay ni Garcia.

At kung wala pa rin na mangyayari o resulta sa imbestigasyon ng PNP, sinabi ni Antiporda na idudulog na nila ang kaso sa National Bureau of Investigation (NBI).

Inilibing si Garcia, 52, tabloid reporter ng Remate, sa Cavite nitong nakaraang Martes. Pinagbabaril ito ng tatlong armadong kalalakihan sa kanyang bahay sa Bacoor, Cavite, noong nakaraang Linggo.

Si Garcia ay ang pang-26th victim ng media killings simula nang umupo sa puwesto si Pangulong Benigno Aquino III noong Hunyo 2010, ayon sa international group Human Rights Watch.

The post Para ikanta ang mastermind, pumatay kay Rubie Garcia bubuhayin appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>