Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

4,000 residente inilikas sa Peru dahil sa pag-aalburuto ng bulkan

$
0
0

INILIKAS ang mga residente na nakatira sa paligid ng Ubinas volcano sa Peru dahil sa pag-aalburuto ng bulkan.

Ayon sa mga opisyal, aabutin ng tatlong araw bago mailikas ang 4,000 residente na nasa paligid ng bulkan.

Ang Ubina ang pinaka-aktibong bulkan sa Peru at kamakailan ay nagbuga ng volcanic ash na umabot ng apat na kilometro ang taas.

Noong nakaraang linggo ay isinailalim na sa state of emergency ang mga lalawigan na nasa paligid ng bulkan.

Bukod sa mga residente, ililikas din ang nasa 30,000 mga hayop.

Nang sumabog ang Ubina volcano noong 2006, maraming hayop ang namatay at inilikas din ang libu-libong residente.

The post 4,000 residente inilikas sa Peru dahil sa pag-aalburuto ng bulkan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129