MALUBHANG nasugatan ang American rapper na si Andre Johnson makaraang tumalon sa kanyang apartment building sa Los Angeles, California.
Ayon sa pulisya, bago tumalon ng building ay pinutol muna ni Johnson ang kanyang ari.
Sinabi ni Los Angeles Police Sgt. William Mann na isinugod sa Cedars-Sinai Medical Center si Johnson kasama ang naputol na ari nito.
Subalit hindi na maikabit pa ang ari ng rapper.
Hindi malinaw kung ano ang nagtulak kay Johnson para putulin ang ari at tumalon ng building.
Si Johnson na kilala rin bilang Christ Bearer ay miyembro ng hip hop group na North Star na bahagi ng Wu-Tang family.
The post Rapper pinutol ang sariling ari bago tumalon sa gusali appeared first on Remate.