NAGAWA pang makatawag sa front desk ng hotel ng 67-anyos na British national bago bawian ng buhay sa Cherry Blossom Hotel sa Ermita, Maynila.
Ang biktima ay kinilalang si Andrew Nicolas, pansamantalang tumutuloy sa nasabing hotel sa 550 Jorge Bacobo Extension, Ermita, Maynila.
Ayon sa bell man na si Ronni Gesmundo, nakadapa sa sahig ang biktima nang abutan sa kuwarto.
Sinabi naman ni Lovely Uy, front desk supervisor, wala silang resident doctor at pinapuntahan nito ang biktima kay Gesmundo para dalhin sa Manila Doctors Hospital pero binawian na ito ng buhay.
Hinala namang inatake sa puso ang biktima.
The post British national patay sa hotel appeared first on Remate.