BLANGKO pa rin ang militar kung nagbigay ng ransom money si Engineer Bonifacio Salinas, Jr. na pinalaya ng rebeldeng grupo sa Sulu.
Sa ngayon, sumasailalim na sa stress debriefing si Salinas Jr. matapos manatili sa kamay ng kidnappers mula noong buwan ng Pebrero.
Ayon kay Armed Forces Spokesman Col. Ramon Zagala, agad dinala sa Camp Bautista si Salinas dahil mahina ang katawan nito nang matagpuan ng awtoridad sa Jolo, Sulu.
Una rito, pwersahang dinukot ng mga miyembro ng bandidong Abu Sayyaf si Salinas at ang asawa nitong si Claire.
Sa impormasyon ng militar at pulisya, dinala ang mag-asawa sa Eastern area ng Patikul na nakita ang get away vehicle at isinakay ang mga ito.
The post Militar blangko sa ransom ng pinalayang engineer sa Sulu appeared first on Remate.