UMABOT sa P2 milyon halaga ari-arian ang nasunog habang 10 pamilya naman ang nawalan ng tirahan matapos lamunin ng apoy ang mga apartment sa P. Campa Street malapit sa España sa Sampaloc, Maynila, kaninang madaling-araw.
Ayon sa ulat, alas-3:00 ng madaling-araw nang sumiklab ang apoy na umabot sa ikalimang alarma.
Apat sa dalawang palapag na apartment ang nasunog kabilang ang mga kainan sa ibaba ng mga ito.
May kalumaan at gawa sa light materials ang mga apartment kaya mabilis na kumalat ang apoy.
Naapula ang apoy matapos ang isang oras.
Wala namang naitalang nasaktan sa sunog.
The post 10 pamilya nasunugan sa Maynila appeared first on Remate.