SUMIPA na sa halos 50 bangkay ang naiahon ng South Korean Coast Guard sa lumubog na Sewol ferry.
Sa pinakahuling ulat, nasa 10 karagdagang bangkay ang nakuha mula sa loob ng barko.
Pero mahigit 250 pa ang nawawalang sakay ng ferry mula sa halos 500 sakay na patungo sana sa Jeju Island matapos umalis sa pantalan ng Incheon.
Ayon kay Emergency Management Centre head Shin Won-Nam, posibleng tumagal pa ang rescue and retrieval operation mula sa karagdagang isang linggo hanggang isang buwan.
Malaking tulong naman sa pagkilala sa mga bangkay ang DNA samples na kusang ibinigay ng mga kaanak ng mga pasahero ng ferry.
Ang kapitan ng barko na si Capt. Lee Joon Seok ay kinasuhan na matapos arestuhin dahil sa paglabag sa “seamen’s law.”
Nabatid na hindi mismo ang kapitan ang nagmamando nang mangyari ang trahedya, habang wala ring proper abandon ship na naideklara kaya maraming naipit sa sasakyang pandagat.
The post UPDATE: Patay sa Korean ferry, sumipa na sa 50 appeared first on Remate.