SAN MANUEL, PANGASINAN – Malubhang nasugatan ang isang mag-ama matapos saksakin ng naghuramentadong lalaki sa San Manuel, Pangasinan.
Isinugod sa ospital ang mga biktima na sina Mark Anthony Amon, 22, at ama nitong si Reynaldo, 51, ng Barangay Nagsaad, nasabing bayan.
Samantala, ang suspek ay nakilalang si Eddie Miguel, 42, nasabing bayan.
Sa imbestigasyon, nagkukuwentuhan ang mag-amang Amon sa labas ng kanilang bahay ng maghuramentado ang suspek.
Pilit na inaawat ng mga biktima ang suspek ng biglang bumunot ng patalim at inundayan ng saksak ang mga biktima.
The post Mag-ama kritikal sa amok sa Pangasinan appeared first on Remate.