BUMULAGTA sa loob mismo ng bahay ang isang ama ng tahanan habang sugatan naman ang paslit na anak nito nang pagbabarilin ng hindi nakilalang armadong lalaki sa Lipa City nitong nakaraang Biyernes Santo.
Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala ng kalibre .45 sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Ferdinand Dimaandal, 48, ng Barangay Sabang, Lipa City.
Isinugod naman sa Lipa District Hospital (LDH) sanhi ng isang tama ng baril sa katawan ang anak ni Dimaandal na si Ashley Joy, 7-months old.
Wala pang ideya ang pulisya kung sino ang salarin pero isa sa sinisilip na motibo ay love triangle.
Ayon kay P/Supt. Jacinto Malinao, hepe ng Lipa City Police Office, naganap ang insidente alas-7:30 ng Sabado de Gloria sa bahay ng magama.
Bago aniya ito, karga ng biktima ang kanyang anak nang biglang pumasok ang salarin at pinagbabaril ang mag-ama bago tumakas sakay ng motorsiklong hindi naplakahan.
Sinabi naman ng live-in partner ni Dimaandal na itinago sa pangalang Imelda, pinagbabantaan siya ng kanyang dating mister na ngayon ay nakakulong sa New Bilibid Prison (NBP) nang malamang nagsasama na at nagkaanak pa sila.
The post Tatay tigbak, baby sugatan sa pamamaril sa Lipa City appeared first on Remate.