ANIM ang malubhang nasugatan sa naganap na sunog kaninang madaling-araw, April 21 sa Brgy. Tonsuyan, Malabon City.
Kinilala ang mga sugatan na sina Virginia Baldebiso, 66; Domingo Baldebiso, 67; Antonio Sidayon, 76; Severino Trempo, 70; Janno Criss Baldebiso, 22; Rinty Marquez, 19 at isang pa ang nawawala na hinihinalang lumubog sa maburak na ilog nang tumalon ito sa labis na takot.
Ayon sa ulat, alas-12:30 ng hatinggabi ng lamunin ng apoy ang 200 na kabahayan sa Perez St. ng nasabing barangay na tumagal ng hanggang alas-5:00 ng madaling-araw.
Agad namang nakaresponde ang mga bumbero subalit nahirapan silang makapasok sa lugar dahil sa sikip ng mga kalsada.
Mahigit sa 1,000 pamilya ang nawalan ng tirahan at ari-arian pero sa kabutihang-palad ay wala namang naiulat ng namatay.
The post Sunog sa Malabon, 6 sugatan appeared first on Remate.