BUMAGSAK ang isang light plane na ginagamit sa pag-spray ng pesticides sa banana plantation sa Mabini, Compostela Valley.
Ayon kay Senior Superintendent Camilo Cascolan, Compostela Valley police chief, hindi nasugatan ang piloto ngunit napinsala ang aircraft at nasira ang ilang 39 full-grown na mga tanim na saging.
Ang Cessna plane (RP-R 146) ng Philippine Aviation Agricultural Corp. (PAAC) na pinalipad ni Amil Jerome Perlas, 28, ay magla-landing sana sa airstrip matapos makapag-spray sa Tagnanan CARP Beneficiaries Corporation (TCBC) plantation.
Nabatid na nadiskaril ang pag-andar ng engine.
“The aircraft experienced mechanical defects prompting the pilot to crash land it at the plantation. The pilot was unhurt,” ayon kay Cascolan.
The post Light plane bumagsak sa Compostela appeared first on Remate.