Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Negosyante, pinagnakawan na, pinatay pa

$
0
0

PINAGNAKAWAN na, pinatay pa ng mga hindi kilalang suspek ang isang negosyante sa Valenzuela City, Lunes ng gabi, Abril 21.

Maga ang mukha at may dugong lumabas sa ilong at bibig ng biktimang si Ponciano Ramirez, 66, ng Gen. Luis St., Bagbaguin ng lungsod.

Sa ulat, kahapon ay hindi nakita ang biktima sa kanyang carwash sa tapat ng pinamamahalaan nitong Heaven Line Manpower Agency sa nasabing lugar.

Ipinaalam ng mga empleyado sa mga kaanak ng biktima ang napansin at alas-6 ng gabi ay napasugod ang mga kaanak ng biktima at nang buksan ang tinutulugan ng negosyante ay nakitang patay na ito.

Magulo ang loob ng opisina ng agency na nakasara subalit hindi nakakandando habang nawawala rin ang pera ng biktima na hindi pa alam kung magkano.

Wala namang palatandaan na pinuwersang buksan ang kuwarto ng biktima kung saan inaalam na kung ano-ano ang nawala sa biktima at inaalam na rin kung sino ang mga suspek.

The post Negosyante, pinagnakawan na, pinatay pa appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>