Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Kagawad tigbak sa boltahe ng kuryente

$
0
0

NAGLIYAB hindi lang ang katawan kundi pati ang kasuotan ng isang barangay kagawad nang makuryente habang nagpapalit ng ilaw sa poste sa Catanduanes nitong Lunes ng gabi, Abril 21.

Naisugod pa sa Vigan District Hospital (VDH) sanhi ng third degree burn sa buong katawan ang biktimang si Jesus Tumanzar, biyudo at kagawad ng Barangay San Antonio, Panganiban, Catanduanes.

Sa ulat, naganap ang insidente alas-7:45 p.m. sa isang poste sa Barangay San Antonio, bayan ng Panganiban.

Bago ito, pinakiusapan ng mga residente ang biktima na palitan ang napunding ilaw sa poste.

Dahil opisyal ng barangay, inakyat ng biktima ang poste ngunit habang niroroskas ang hawak na bagong ilaw ay napahawak ito sa linya ng kuryente.

Sa lakas ng pumasok na boltahe sa katawan, nangisay at nahulog ang biktima sa sementadong kalsada.

The post Kagawad tigbak sa boltahe ng kuryente appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129