Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pinay todas sa nobyong Kano

$
0
0

PATAY ang 51-anyos na Pinay nurse makaraang barilin ng kanyang ka-live-in na Kano sa kalagitnaan ng isang party sa kanilang tahanan sa Clearwater City, Florida.

Sa ulat ng ABC action news, binaril si Josephine Austria ng kanyang 24-anyos na ka-live-in na si Alexander Richardson.

Naganap ang insidente habang nagsasagawa ng birthday party sa tahanan ng magkasintahan kasama ang ilang mga bisita sa Block 2300 Hillcreek Circle East.

Agad na dinala sa ospital si Austria ngunit idineklarang dead-on-arrival ng mga doktor.

“At some point that morning, Richardson went down to a gas station on McMullen Booth Road to tell someone that he had shot his girlfriend,” ayon sa report.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad si Richardson na sasampahan ng kasong second-degree murder.

“Police are still working to get more information on what led to Austria’s death.”

The post Pinay todas sa nobyong Kano appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>