UTAS ang isang pulis nang barilin ng isang fixer sa Lipa, Batangas kaninang umaga.
Kinilala ang pulis na si SPO2 Arthur Laurel, habang ang suspek ay si Edwin Mission, fixer sa Land Transportation Office (LTO).
Sa report, pinuntahan ng pulis ang suspek sa kanyang bahay para kamustahin ang ipinalalakad na mga papeles sa LTO pero nagkainitan ang dalawa.
Sa asar ay agad na binaril ng suspek ang biktima.
The post Parak utas sa boga sa Batangas appeared first on Remate.