PATAY ang isang obrero matapos tamaan ng handle ng ino-operate na makina sa loob ng pabrika sa Valenzuela City, Sabado ng umaga, Abril 26.
Dead-on-arrival sa Valenzuela General Hospital (VGH) sanhi ng pinsala sa ulo si Alvin Vale, 24, binata, empleyado ng Proearth Plastic, Inc., at residente ng Phase 4, Asuncion Ville, Lingunan ng lungsod.
Sa ulat, alas-9:30 ng umaga, inaayos ng biktima ang gamit na crushed machine sa loob ng nasabing pabrika sa Maysan Road, Maysan nang humampas ang handle sa ulo na naging dahilan upang bumagsak at mawalan ng malay.
Nang makita ng mga kasamahan ang nangyari ay agad na dinala sa VGH ang biktima kung saan inaalam na kung may pananagutan ang may-ari ng pabrika.
The post Obrero patay sa pabrika sa Vale appeared first on Remate.