KALABOSO ang dalawang binata matapos maaktuhang kinakatay ang kinarnap na tricycle sa Caloocan City, Lunes ng gabi, Abril 28.
Nahaharap sa kasong anti-carnapping sina Randy Santos, 22, ng Phase 1, Bagong Silang at Abdul Basit, 22, ng Phase 12, Tala, kapwa ng lungsod.
Lumalabas na alas-6:00 ng umaga kahapon nang puwersahan agawin ng mga suspek ang tricycle ni Nico Luna sa San Miguel, San Jose Del Monte, Bulacan.
Dinala ng mga suspek ang tricycle sa Phase 4, Bagong Silang upang katayin hanggang sa madaanan ng mga pulis alas-6 ng gabi at sitahin nang malaman na kinarnap ang nasabing tricycle dahilan upang dalhin at sampahan ng kaso sa presinto ang mga una.
The post 2 dakip sa karnap na tricycle appeared first on Remate.